×
طهAyah 134

Tafsir Al-Mukhtasar

وَلَوْ أَنَّآ أَهْلَكْنَـٰهُم بِعَذَابٍ مِّن قَبْلِهِۦ لَقَالُوا۟ رَبَّنَا لَوْلَآ أَرْسَلْتَ إِلَيْنَا رَسُولًا فَنَتَّبِعَ ءَايَـٰتِكَ مِن قَبْلِ أَن نَّذِلَّ وَنَخْزَىٰ ﴿١٣٤﴾

Kung sakaling Kami ay nagpahamak sa mga tagapagpasinungaling na ito sa Propeta – ang basbas at ang pangangalaga ay sumakanya – sa pamamagitan ng pagpapababa ng isang pagdurusa sa kanila dahil sa kawalang-pananampalataya nila at pagmamatigas nila bago Kami magsugo sa kanila ng isang sugo at [bago] Kami magpababa sa kanila ng isang kasulatan ay talagang magsasabi sila sa Araw ng Pagbangon habang mga nagdadahilan sa kawalang-pananampalataya nila: "Bakit kaya hindi Ka nagsugo, Panginoon namin, sa amin ng isang sugo sa Mundo para sumampalataya kami sa kanya at sumunod kami sa inihatid niya na mga tanda Mo bago pa dumapo sa amin ang pagkahamak at ang pagkapahiya dahilan sa pagdurusang dulot Mo?"