×
المؤمنونAyah 21

Tafsir Al-Mukhtasar

وَإِنَّ لَكُمْ فِى ٱلْأَنْعَـٰمِ لَعِبْرَةً ۖ نُّسْقِيكُم مِّمَّا فِى بُطُونِهَا وَلَكُمْ فِيهَا مَنَـٰفِعُ كَثِيرَةٌ وَمِنْهَا تَأْكُلُونَ ﴿٢١﴾

Tunay na para sa inyo, O mga tao, sa mga hayupan (kamelyo, baka, at tupa) ay talagang may aral at katunayang maipatutunay ninyo sa kakayahan ni Allāh at kabaitan Niya sa inyo. Nagpapainom Kami sa inyo mula sa nasa mga tiyan ng mga hayupang ito ng gatas na dalisay na kasiya-siya para sa mga umiinom. Para sa inyo sa mga ito ay mga pakinabang na marami, na nakikinabang kayo sa mga ito gaya ng pagsakay, lana, balahibo, at buhok, at kumakain kayo mula sa mga karne ng mga ito.