×
المؤمنونAyah 27

Tafsir Al-Mukhtasar

فَأَوْحَيْنَآ إِلَيْهِ أَنِ ٱصْنَعِ ٱلْفُلْكَ بِأَعْيُنِنَا وَوَحْيِنَا فَإِذَا جَآءَ أَمْرُنَا وَفَارَ ٱلتَّنُّورُ ۙ فَٱسْلُكْ فِيهَا مِن كُلٍّ زَوْجَيْنِ ٱثْنَيْنِ وَأَهْلَكَ إِلَّا مَن سَبَقَ عَلَيْهِ ٱلْقَوْلُ مِنْهُمْ ۖ وَلَا تُخَـٰطِبْنِى فِى ٱلَّذِينَ ظَلَمُوٓا۟ ۖ إِنَّهُم مُّغْرَقُونَ ﴿٢٧﴾

Kaya nagkasi Kami sa kanya, na [nagsasabi]: "Yumari ka ng arko sa [ilalim ng] isang pagtingin mula sa Amin at pagtuturo Namin sa iyo kung papaano mong yayariin iyon. Kaya kapag dumating ang utos Namin ng pagpapahamak sa kanila at bumukal ang tubig nang may lakas mula sa lugar na pinaghuhurnuhan ay magpasok ka sa loob niyon ng mula sa bawat buhay na lalaki at babae upang magpatuloy ang lahi at magpasok ka ng mag-anak mo – maliban sa isang nauna sa kanya ang hatol mula kay Allāh ng pagpapahamak – tulad ng maybahay mo at anak mo. Huwag kang kumausap sa Akin kaugnay sa mga lumabag sa katarungan dahil sa kawalang-pananampalataya, hinggil sa paghiling ng kaligtasan nila at pagtigil sa pagpapahamak sa kanila; tunay na sila ay mga ipapapahamak – walang pasubali – sa pamamagitan ng pagkalunod sa tubig ng gunaw.