×
المؤمنونAyah 72

Tafsir Al-Mukhtasar

أَمْ تَسْـَٔلُهُمْ خَرْجًا فَخَرَاجُ رَبِّكَ خَيْرٌ ۖ وَهُوَ خَيْرُ ٱلرَّٰزِقِينَ ﴿٧٢﴾

Humiling ka ba, O Sugo, ng pabuya mula sa mga ito kapalit ng inihatid mo sa kanila at iyon ay nagtulak sa kanila na tumanggi sa paanyaya? Ito ay hindi nangyari mula sa iyo sapagkat ang gantimpala ng Panginoon mo at ang pabuya Niya ay higit na mabuti kaysa sa gantimpala ng mga ito at iba pa sa kanila. Siya – kaluwalhatian sa Kanya – ay ang pinakamabuti sa mga tagatustos.