Tafsir Al-Mukhtasar
وَقَالَ ٱلَّذِينَ كَفَرُوٓا۟ إِنْ هَـٰذَآ إِلَّآ إِفْكٌ ٱفْتَرَىٰهُ وَأَعَانَهُۥ عَلَيْهِ قَوْمٌ ءَاخَرُونَ ۖ فَقَدْ جَآءُو ظُلْمًا وَزُورًا ﴿٤﴾
Nagsabi ang mga tumangging sumampalataya kay Allāh at sa Sugo Niya: "Walang iba ang Qur'ān na ito kundi isang kasinungalingang nilikha-likha ni Muḥammad saka iniugnay niya ito kay Allāh bilang paninirang-puri. May tumulong sa kanya sa paglikha-likha nito na mga ibang tao." Ngunit gumawa-gawa ang mga tagatangging sumampalataya na ito ng isang sinabing bulaan sapagkat ang Qur'ān ay Salita ni Allāh, na hindi maaaring makagawa ang tao ni ang jinn ng tulad nito.