Tafsir Al-Mukhtasar
وَهُوَ ٱلَّذِى خَلَقَ مِنَ ٱلْمَآءِ بَشَرًا فَجَعَلَهُۥ نَسَبًا وَصِهْرًا ۗ وَكَانَ رَبُّكَ قَدِيرًا ﴿٥٤﴾
Siya ay ang lumikha mula sa punlay ng lalaki at babae ng isang tao. Ang lumikha sa tao ay nagpaluwal ng ugnayan sa pagkakamag-anak at ugnayan sa pag-aasawa. Laging ang Panginoon mo, O Sugo, ay May-kakayahan: walang nagpapawalang-kakayahan sa Kanya na anuman. Bahagi ng kakayahan Niya ang paglikha sa tao mula sa punlay ng lalaki at babae.