Tafsir Al-Mukhtasar
وَمَآ أَرْسَلْنَـٰكَ إِلَّا مُبَشِّرًا وَنَذِيرًا ﴿٥٦﴾
Hindi Kami nagsugo sa iyo, O Sugo, kundi bilang tagapagbalita ng nakagagalak sa sinumang tumalima kay Allāh sa pamamagitan ng pananampalataya at gawang maayos at bilang tagapagbabala sa sinumang sumuway sa Kanya sa pamamagitan ng kawalang-pananampalataya at pagsuway.