Tafsir Al-Mukhtasar
وَقَالُوا۟ مَالِ هَـٰذَا ٱلرَّسُولِ يَأْكُلُ ٱلطَّعَامَ وَيَمْشِى فِى ٱلْأَسْوَاقِ ۙ لَوْلَآ أُنزِلَ إِلَيْهِ مَلَكٌ فَيَكُونَ مَعَهُۥ نَذِيرًا ﴿٧﴾
Nagsabi ang mga tagapagtambal na tagapagpasinungaling sa Propeta – basbasan siya ni Allāh at batiin ng kapayapaan: "Ano ang mayroon sa nag-aangking ito na siya ay isang sugo mula sa ganang kay Allāh, na kumakain ng pagkain kung paanong kumakain ang iba pa sa kanya na mga tao at naglalakad sa mga palengke sa paghahanap ng kabuhayan? Bakit nga kaya hindi nagpababa si Allāh kasama sa kanya ng isang anghel na magiging kapisan niya habang nagpapatotoo sa kanya at umaalalay sa kanya?