×
الفرقانAyah 70

Tafsir Al-Mukhtasar

إِلَّا مَن تَابَ وَءَامَنَ وَعَمِلَ عَمَلًا صَـٰلِحًا فَأُو۟لَـٰٓئِكَ يُبَدِّلُ ٱللَّهُ سَيِّـَٔاتِهِمْ حَسَنَـٰتٍ ۗ وَكَانَ ٱللَّهُ غَفُورًا رَّحِيمًا ﴿٧٠﴾

Subalit ang sinumang nagbalik-loob kay Allāh, sumampalataya, at gumawa ng gawang maayos, na nagpapatunay sa katapatan ng pagbabalik-loob niya, ang mga iyon ay papalitan ni Allāh ng magandang gawa ang ginawa nilang mga gawang masagwa. Laging si Allāh ay Mapagpatawad sa mga pagkakasala ng sinumang nagbalik-loob kabilang sa mga lingkod Niya, Maawain sa kanila.