×
الفرقانAyah 74

Tafsir Al-Mukhtasar

وَٱلَّذِينَ يَقُولُونَ رَبَّنَا هَبْ لَنَا مِنْ أَزْوَٰجِنَا وَذُرِّيَّـٰتِنَا قُرَّةَ أَعْيُنٍ وَٱجْعَلْنَا لِلْمُتَّقِينَ إِمَامًا ﴿٧٤﴾

[Sila] ang mga nagsasabi sa panalangin nila sa Panginoon nila: "Panginoon namin, magbigay Ka sa amin mula sa mga asawa namin at mga anak namin ng magiging galak ng mata para sa amin dahil sa pangingilag nito sa pagkakasala at pananatili nito sa katotohanan, at gumawa Ka sa amin para sa mga tagapangilag magkasala bilang mga tagapanguna sa katotohanan, na tinutularan."