Tafsir Al-Mukhtasar
ٱنظُرْ كَيْفَ ضَرَبُوا۟ لَكَ ٱلْأَمْثَـٰلَ فَضَلُّوا۟ فَلَا يَسْتَطِيعُونَ سَبِيلًا ﴿٩﴾
Tumingin ka, O Sugo, talagang magtataka ka sa kanila kung papaanong naglarawan sila sa iyo ng mga paglalarawang bulaan sapagkat nagsabi silang manggagaway ka, nagsabi silang nagaway ka, at nagsabi silang baliw ka. Kaya naligaw sila dahilan doon palayo sa katotohanan saka hindi sila nakakakaya sa pagtahak sa isang daan para sa kapatnubayan at hindi sila nakakakaya [na magkaroon] ng isang landas sa pagtuligsa sa katapatan mo at pagkamapagkakatiwalaan mo.