×
العنكبوتAyah 32

Tafsir Al-Mukhtasar

قَالَ إِنَّ فِيهَا لُوطًا ۚ قَالُوا۟ نَحْنُ أَعْلَمُ بِمَن فِيهَا ۖ لَنُنَجِّيَنَّهُۥ وَأَهْلَهُۥٓ إِلَّا ٱمْرَأَتَهُۥ كَانَتْ مِنَ ٱلْغَـٰبِرِينَ ﴿٣٢﴾

Nagsabi si Abraham – sumakanya ang pagbati ng kapayapaan – sa mga anghel: "Tunay na si Lot ay nasa pamayanang iyan na ninanais ninyong pasawiin ang mga naninirahan. Siya ay hindi kabilang sa mga tagalabag sa katarungan." Nagsabi ang mga anghel: "Kami ay higit na maalam sa sinumang nariyan. Talagang sasagip nga kami sa kanya at sa mag-anak niya – mula sa kapahamakang ipabababa sa mga naninirahan sa pamayanan – maliban sa maybahay niya; ito noon ay kabilang sa mga maiiwang mapapahamak sapagkat magpapahamak kami rito kasama sa kanila."