×
العنكبوتAyah 54

Tafsir Al-Mukhtasar

يَسْتَعْجِلُونَكَ بِٱلْعَذَابِ وَإِنَّ جَهَنَّمَ لَمُحِيطَةٌۢ بِٱلْكَـٰفِرِينَ ﴿٥٤﴾

Nagpapamadali sila sa iyo ng pagdurusang ipinangako mo sa kanila. Tunay na ang Impiyernong ipinangako ni Allāh sa mga tagatangging sumampalataya ay talagang sasaklaw sa kanila, na hindi nila kakayanin ang pagtakas mula sa pagdurusa roon.