Tafsir Al-Mukhtasar
وَلَئِن سَأَلْتَهُم مَّن نَّزَّلَ مِنَ ٱلسَّمَآءِ مَآءً فَأَحْيَا بِهِ ٱلْأَرْضَ مِنۢ بَعْدِ مَوْتِهَا لَيَقُولُنَّ ٱللَّهُ ۚ قُلِ ٱلْحَمْدُ لِلَّهِ ۚ بَلْ أَكْثَرُهُمْ لَا يَعْقِلُونَ ﴿٦٣﴾
Talagang kung nagtanong ka, O Sugo, sa mga tagapagtambal kung sino ang nagbaba mula sa langit ng tubig, saka nagpatubo sa pamamagitan nito sa lupa matapos na ito dati ay tuyot, talagang magsasabi nga silang ang nagpababa ng ulan mula sa langit at nagpatubo sa pamamagitan nito sa lupa ay si Allāh. Sabihin mo, O Sugo: "Ang papuri ay ukol kay Allāh na nagpalitaw ng katwiran laban sa inyo," ngunit ang resulta ay na ang karamihan sa kanila ay hindi nakapag-uunawa yayamang kung sakaling sila dati ay nakapag-uunawa, talaga sanang hindi sila nagtambal kay Allāh ng mga diyus-diyusang hindi nakapagpapakinabang ni nakapipinsala.