×
العنكبوتAyah 65

Tafsir Al-Mukhtasar

فَإِذَا رَكِبُوا۟ فِى ٱلْفُلْكِ دَعَوُا۟ ٱللَّهَ مُخْلِصِينَ لَهُ ٱلدِّينَ فَلَمَّا نَجَّىٰهُمْ إِلَى ٱلْبَرِّ إِذَا هُمْ يُشْرِكُونَ ﴿٦٥﴾

Kapag nakasakay ang mga tagapagtambal sa mga daong sa dagat ay dumadalangin sila kay Allāh lamang habang mga nagpapakawagas para sa Kanya sa pagdalangin na iligtas sila mula sa pagkalunod. Ngunit noong nagligtas Siya sa kanila mula sa pagkalunod, naging mga tagapagtambal sila na dumadalangin kasama sa Kanya sa mga diyos nila.