Tafsir Al-Mukhtasar
وَجَآءَ مِنْ أَقْصَا ٱلْمَدِينَةِ رَجُلٌ يَسْعَىٰ قَالَ يَـٰقَوْمِ ٱتَّبِعُوا۟ ٱلْمُرْسَلِينَ ﴿٢٠﴾
May dumating, mula sa isang lugar na malayo sa pamayanan, na isang lalaking nagmamadali dala ng pangamba para sa mga kababayan niya dahil sa pagpapasinungaling sa mga sugo at pagbabanta sa mga ito ng pagpatay at pananakit. Nagsabi siya: "O mga kababayan, sumunod kayo sa inihatid ng mga isinugong ito.