×
يسAyah 37

Tafsir Al-Mukhtasar

وَءَايَةٌ لَّهُمُ ٱلَّيْلُ نَسْلَخُ مِنْهُ ٱلنَّهَارَ فَإِذَا هُم مُّظْلِمُونَ ﴿٣٧﴾

Isang pahiwatig para sa mga tao sa paniniwala sa kaisahan ni Allāh ay na Siya ay nag-aalis ng tanglaw sa pag-alis ng maghapon at pagdating ng gabi kapag nagtatanggal Siya ng maghapon mula roon at nagdadala Siya ng dilim matapos ng pag-alis ng maghapon, kaya naman biglang ang mga tao ay mga pumapasok sa isang dilim.