×
يسAyah 60

Tafsir Al-Mukhtasar

أَلَمْ أَعْهَدْ إِلَيْكُمْ يَـٰبَنِىٓ ءَادَمَ أَن لَّا تَعْبُدُوا۟ ٱلشَّيْطَـٰنَ ۖ إِنَّهُۥ لَكُمْ عَدُوٌّ مُّبِينٌ ﴿٦٠﴾

Hindi ba nagtagubilin Ako sa inyo at nag-utos Ako sa inyo ayon sa mga dila ng mga sugo Ko, at nagsabi Ako sa inyo, O mga anak ni Adan, na huwag kayong tumalima sa demonyo sa pamamagitan ng paggawa ng mga uri ng kawalang-pananampalataya at mga pagsuway? Tunay na ang demonyo para sa inyo ay isang kaaway na maliwanag ang pangangaway. Kaya papaano para sa isang nakapag-iisip na tumalima sa kaaway niya na nagpapakita sa kanya ng pangangaway nito?