×
الصافاتAyah 28

Tafsir Al-Mukhtasar

قَالُوٓا۟ إِنَّكُمْ كُنتُمْ تَأْتُونَنَا عَنِ ٱلْيَمِينِ ﴿٢٨﴾

Magsasabi ang mga tagasunod sa mga sinusunod: "Tunay na kayo, O malalaking tao namin, ay dating pumupunta sa amin mula sa panig ng relihiyon at katotohanan kaya nagpapaakit kayo sa amin sa kawalang-pananampalataya at pagtatambal kay Allāh at paggawa ng mga pagsuway at nagpapaayaw kayo sa amin sa katotohanan na inihatid ng mga sugo mula sa ganang kay Allāh."