×
الصافاتAyah 30

Tafsir Al-Mukhtasar

وَمَا كَانَ لَنَا عَلَيْكُم مِّن سُلْطَـٰنٍۭ ۖ بَلْ كُنتُمْ قَوْمًا طَـٰغِينَ ﴿٣٠﴾

Hindi kami nagkaroon sa inyo, O mga tagasunod, ng anumang pangingibabaw sa pamamagitan ng isang panggagapi o isang pananaig para makapagsadlak kami sa inyo sa kawalang-pananampalataya, shirk, at paggawa ng mga pagsuway; bagkus kayo dati ay mga taong lumalampas sa hangganan sa kawalang-pananampalataya at pagkaligaw.