×
الشورىAyah 36

Tafsir Al-Mukhtasar

فَمَآ أُوتِيتُم مِّن شَىْءٍ فَمَتَـٰعُ ٱلْحَيَوٰةِ ٱلدُّنْيَا ۖ وَمَا عِندَ ٱللَّهِ خَيْرٌ وَأَبْقَىٰ لِلَّذِينَ ءَامَنُوا۟ وَعَلَىٰ رَبِّهِمْ يَتَوَكَّلُونَ ﴿٣٦﴾

Kaya ang ibinigay sa inyo, O mga tao, na yaman o impluwensiya o anak ay natatamasa sa buhay na pangmundo. Ito ay maglalaho, mapuputol. Ang kaginhawahang mamamalagi ay ang kaginhawahan sa Paraiso na inihanda ni Allāh para sa mga sumampalataya kay Allāh at sa mga sugo Niya at sa Panginoon nila lamang ay sumasandal sa lahat ng mga pumapatungkol sa kanila.