×
الشورىAyah 39

Tafsir Al-Mukhtasar

وَٱلَّذِينَ إِذَآ أَصَابَهُمُ ٱلْبَغْىُ هُمْ يَنتَصِرُونَ ﴿٣٩﴾

[Ito ay para sa] mga kapag tumama sa kanila ang kawalang-katarungan, sila ay nag-aadya [sa mga sarili] bilang pagpaparangal sa mga sarili nila at bilang pagpapalakas sa mga ito, kapag ang tagalabag sa katarungan ay hindi karapat-dapat sa paumanhin. Ang pag-aadyang ito [sa sarili] ay isang karapatan, lalo na kapag sa pagpapaumanhin ay walang kabutihan.