×
الجاثيةAyah 11

Tafsir Al-Mukhtasar

هَـٰذَا هُدًى ۖ وَٱلَّذِينَ كَفَرُوا۟ بِـَٔايَـٰتِ رَبِّهِمْ لَهُمْ عَذَابٌ مِّن رِّجْزٍ أَلِيمٌ ﴿١١﴾

Ang Aklat na ito na pinababa Namin sa Sugo naming si Muḥammad ay isang tagapagpatnubay tungo sa daan ng katotohanan. Ang mga tumangging sumampalataya sa mga tanda ng Panginoon nila na pinababa sa Sugo Niya, ukol sa kanila ay isang pagdurusang masagwa na nakasasakit.