×
الجاثيةAyah 13

Tafsir Al-Mukhtasar

وَسَخَّرَ لَكُم مَّا فِى ٱلسَّمَـٰوَٰتِ وَمَا فِى ٱلْأَرْضِ جَمِيعًا مِّنْهُ ۚ إِنَّ فِى ذَٰلِكَ لَـَٔايَـٰتٍ لِّقَوْمٍ يَتَفَكَّرُونَ ﴿١٣﴾

Nagpasilbi Siya – kaluwalhatian sa Kanya – para sa inyo ng anumang nasa mga langit gaya ng araw, buwan, at mga bituin, at ng anumang nasa lupa gaya ng mga ilog, mga punong-kahoy, bundok, at iba pa. Ang lahat ng mga biyayang ito ay mula sa kabutihang-loob Niya at paggawa Niya ng maganda. Tunay na sa pagpapasilbi na iyon para sa inyo ay talagang may mga katunayan sa kakayahan ni Allāh at kaisahan Niya para sa mga taong nag-iisip-isip sa mga tanda Niya kaya naman nagsasaalang-alang sila sa mga ito.