×
الجاثيةAyah 17

Tafsir Al-Mukhtasar

وَءَاتَيْنَـٰهُم بَيِّنَـٰتٍ مِّنَ ٱلْأَمْرِ ۖ فَمَا ٱخْتَلَفُوٓا۟ إِلَّا مِنۢ بَعْدِ مَا جَآءَهُمُ ٱلْعِلْمُ بَغْيًۢا بَيْنَهُمْ ۚ إِنَّ رَبَّكَ يَقْضِى بَيْنَهُمْ يَوْمَ ٱلْقِيَـٰمَةِ فِيمَا كَانُوا۟ فِيهِ يَخْتَلِفُونَ ﴿١٧﴾

Nagbigay Kami sa kanila ng mga katunayang nagpapaliwanag sa katotohanan mula sa kabulaanan ngunit hindi sila nagkaiba-iba malibang noong matapos na nailatag ang mga katwiran sa pamamagitan ng pagpapadala sa Propeta Naming si Muḥammad – ang basbas at ang pagbabati ng kapayapaan ay sumakanya. Walang humila sa kanila sa pagkakaiba-ibang ito kundi ang paglabag nila sa isa't isa dala ng sigasig sa pamumuno at impluwensiya. Tunay na ang Panginoon mo, O Sugo, ay magpapasya sa pagitan nila sa Araw ng Pagbangon hinggil sa sila dati ay nagkakaiba-iba sa Mundo kaya maglilinaw Siya sa kung sino noon ang nagtototoo at kung sino noon ang nagbubulaan.