×
الفتحAyah 17

Tafsir Al-Mukhtasar

لَّيْسَ عَلَى ٱلْأَعْمَىٰ حَرَجٌ وَلَا عَلَى ٱلْأَعْرَجِ حَرَجٌ وَلَا عَلَى ٱلْمَرِيضِ حَرَجٌ ۗ وَمَن يُطِعِ ٱللَّهَ وَرَسُولَهُۥ يُدْخِلْهُ جَنَّـٰتٍ تَجْرِى مِن تَحْتِهَا ٱلْأَنْهَـٰرُ ۖ وَمَن يَتَوَلَّ يُعَذِّبْهُ عَذَابًا أَلِيمًا ﴿١٧﴾

Hindi kasalanan sa nabigyang-dahilan dahilan sa pagkabulag o pagkapilay o pagkakasakit kapag nagpaiwan ito sa pakikipaglaban sa landas ni Allāh. Ang sinumang tumatalima kay Allāh at tumatalima sa Sugo Niya ay magpapapasok Siya rito sa mga hardin na dumadaloy ang mga ilog mula sa ilalim ng mga palasyo ng mga ito at mga punong-kahoy ng mga ito. Ang sinumang umaayaw sa pagtalima sa kanilang dalawa (si Allāh at ang Sugo) ay pagdurusahin ni Allāh ito ng isang pagdurusang nakasasakit.