×
الفتحAyah 24

Tafsir Al-Mukhtasar

وَهُوَ ٱلَّذِى كَفَّ أَيْدِيَهُمْ عَنكُمْ وَأَيْدِيَكُمْ عَنْهُم بِبَطْنِ مَكَّةَ مِنۢ بَعْدِ أَنْ أَظْفَرَكُمْ عَلَيْهِمْ ۚ وَكَانَ ٱللَّهُ بِمَا تَعْمَلُونَ بَصِيرًا ﴿٢٤﴾

Siya ay ang humadlang sa mga kamay ng mga tagapagtambal laban sa inyo nang dumating ang mga walumpung lalaki kabilang sa kanila na nagnanais ng pagdudulot ng kasagwaan sa inyo sa Ḥudaybīyah at pumigil Siya sa mga kamay ninyo laban sa kanila kaya hindi ninyo sila pinatay at hindi ninyo sila sinaktan, bagkus nagdulot kayo ng kalayaan nila matapos na ipinakaya Niya sa inyo ang pagbihag sa kanila. Laging si Allāh sa anumang ginagawa ay Nakakikita: walang nakakukubli sa Kanya mula sa mga gawain ninyo na anuman.