Tafsir Al-Mukhtasar
هُوَ ٱلَّذِىٓ أَنزَلَ ٱلسَّكِينَةَ فِى قُلُوبِ ٱلْمُؤْمِنِينَ لِيَزْدَادُوٓا۟ إِيمَـٰنًا مَّعَ إِيمَـٰنِهِمْ ۗ وَلِلَّهِ جُنُودُ ٱلسَّمَـٰوَٰتِ وَٱلْأَرْضِ ۚ وَكَانَ ٱللَّهُ عَلِيمًا حَكِيمًا ﴿٤﴾
Siya ang nagpababa ng katatagan at kapanatagan sa mga puso ng mga mananampalataya upang madagdagan sila ng pananampalataya sa dating pananampalataya nila. Sa kay Allāh lamang ang mga kawal ng mga langit at lupa. Nag-aalalay Siya sa pamamagitan ng mga ito sa sinumang niloloob Niya kabilang sa mga lingkod Niya. Laging si Allāh ay Maalam sa mga kapakanan ng mga lingkod Niya, Marunong sa pinangyayari Niya na pag-aadya at pag-aalalay.