Tafsir Al-Mukhtasar
يَـٰٓأَيُّهَا ٱلَّذِينَ ءَامَنُوا۟ شَهَـٰدَةُ بَيْنِكُمْ إِذَا حَضَرَ أَحَدَكُمُ ٱلْمَوْتُ حِينَ ٱلْوَصِيَّةِ ٱثْنَانِ ذَوَا عَدْلٍ مِّنكُمْ أَوْ ءَاخَرَانِ مِنْ غَيْرِكُمْ إِنْ أَنتُمْ ضَرَبْتُمْ فِى ٱلْأَرْضِ فَأَصَـٰبَتْكُم مُّصِيبَةُ ٱلْمَوْتِ ۚ تَحْبِسُونَهُمَا مِنۢ بَعْدِ ٱلصَّلَوٰةِ فَيُقْسِمَانِ بِٱللَّهِ إِنِ ٱرْتَبْتُمْ لَا نَشْتَرِى بِهِۦ ثَمَنًا وَلَوْ كَانَ ذَا قُرْبَىٰ ۙ وَلَا نَكْتُمُ شَهَـٰدَةَ ٱللَّهِ إِنَّآ إِذًا لَّمِنَ ٱلْـَٔاثِمِينَ ﴿١٠٦﴾
O mga sumampalataya, kapag nalapit ang kamatayan ng isa sa inyo dahil sa paglitaw ng isa sa mga palatandaan ng kamatayan ay magpasaksi siya sa tagubilin niya sa dalawang makatarungan kabilang sa mga Muslim o sa dalawang lalaki kabilang sa mga tagatangging sumampalataya sa sandali ng pangangailangan dahil sa kawalan ng iba pa sa dalawang ito kabilang sa mga Muslim, kung naglakbay kayo at bumaba sa inyo ang kamatayan. Kung nangyari ang pag-aalinlangan sa pagsaksi nilang dalawa ay magpatigil kayo sa kanilang dalawa matapos ng isa sa mga pagdarasal. Kaya manunumpa silang dalawa kay Allāh na hindi silang dalawa magbebenta ng bahagi nilang dalawa mula kay Allāh kapalit ng isang panumbas; hindi silang dalawa papanig sa isang kaanak; hindi silang dalawa magkukubli ng isang pagsasaksi para kay Allāh sa ganang kanilang dalawa; at na silang dalawa, kung gumawa dalawa niyon, ay magiging kabilang sa mga nagkakasalang sumusuway kay Allāh.