×
المائدةAyah 112

Tafsir Al-Mukhtasar

إِذْ قَالَ ٱلْحَوَارِيُّونَ يَـٰعِيسَى ٱبْنَ مَرْيَمَ هَلْ يَسْتَطِيعُ رَبُّكَ أَن يُنَزِّلَ عَلَيْنَا مَآئِدَةً مِّنَ ٱلسَّمَآءِ ۖ قَالَ ٱتَّقُوا۟ ٱللَّهَ إِن كُنتُم مُّؤْمِنِينَ ﴿١١٢﴾

Bumanggit ka noong nagsabi ang mga disipulo: "O Jesus na anak ni Maria, makakakaya kaya ang Panginoon mo, kapag dumalangin ka sa Kanya, na magpababa sa atin ng isang hapag mula sa langit?" Kaya sumagot sa kanila si Jesus – sumakanya ang pagbati ng kapayapaan – sa pamamagitan ng pag-uutos sa kanila ng pangingilag sa pagkakasala kay Allāh at ng pagtigil ng paghiling ng hiningi nila yayamang baka may dulot itong isang tukso sa kanila. Nagsabi siya sa kanila: "Manalig kayo sa Panginoon ninyo sa paghiling ng panustos kung kayo ay mga mananampalataya."