Tafsir Al-Mukhtasar
وَإِذْ قَالَ مُوسَىٰ لِقَوْمِهِۦ يَـٰقَوْمِ ٱذْكُرُوا۟ نِعْمَةَ ٱللَّهِ عَلَيْكُمْ إِذْ جَعَلَ فِيكُمْ أَنۢبِيَآءَ وَجَعَلَكُم مُّلُوكًا وَءَاتَىٰكُم مَّا لَمْ يُؤْتِ أَحَدًا مِّنَ ٱلْعَـٰلَمِينَ ﴿٢٠﴾
Banggitin mo, O Sugo, nang nagsabi si Moises sa mga kalipi niyang mga anak ni Israel: "O mga kalipi, alalahanin ninyo sa pamamagitan ng mga puso ninyo at mga dila ninyo ang biyaya ni Allāh sa inyo nang gumawa Siya sa inyo ng mga propeta na nag-aanyaya sa inyo tungo sa patnubay, gumawa Siya sa inyo na mga haring naghahari kayo sa nauukol sa mga sarili ninyo matapos na kayo noon ay mga pinagmamay-aring inaalipin, at nagbigay Siya sa inyo mula sa mga biyaya Niya, na hindi Niya ibinigay sa isa man kabilang sa mga nilalang sa panahon ninyo.