Tafsir Al-Mukhtasar
إِنَّ ٱلَّذِينَ كَفَرُوا۟ لَوْ أَنَّ لَهُم مَّا فِى ٱلْأَرْضِ جَمِيعًا وَمِثْلَهُۥ مَعَهُۥ لِيَفْتَدُوا۟ بِهِۦ مِنْ عَذَابِ يَوْمِ ٱلْقِيَـٰمَةِ مَا تُقُبِّلَ مِنْهُمْ ۖ وَلَهُمْ عَذَابٌ أَلِيمٌ ﴿٣٦﴾
Tunay na ang mga tumangging sumampalataya kay Allāh at sa mga sugo Niya, kung sakaling itinakda na taglay ng bawat isa sa kanila ang pagmamay-ari sa anumang nasa lupa sa kalahatan at tulad nito kasama nito saka naghandog sila nito upang magpawala sila sa mga sarili nila mula sa pagdurusang dulot ni Allāh sa Araw ng Pagbangon, hindi tatanggapin mula sa kanila ang pantubos na iyon. Ukol sa kanila ay isang pagdurusang nakasasakit.