×
المائدةAyah 49

Tafsir Al-Mukhtasar

وَأَنِ ٱحْكُم بَيْنَهُم بِمَآ أَنزَلَ ٱللَّهُ وَلَا تَتَّبِعْ أَهْوَآءَهُمْ وَٱحْذَرْهُمْ أَن يَفْتِنُوكَ عَنۢ بَعْضِ مَآ أَنزَلَ ٱللَّهُ إِلَيْكَ ۖ فَإِن تَوَلَّوْا۟ فَٱعْلَمْ أَنَّمَا يُرِيدُ ٱللَّهُ أَن يُصِيبَهُم بِبَعْضِ ذُنُوبِهِمْ ۗ وَإِنَّ كَثِيرًا مِّنَ ٱلنَّاسِ لَفَـٰسِقُونَ ﴿٤٩﴾

Na humatol ka sa pagitan nila, O Sugo, ng ayon sa pinababa ni Allāh sa iyo, huwag kang sumunod sa mga pananaw nilang namumutawi mula sa pagsunod ng pithaya, at mag-ingat ka sa kanila na magligaw sila sa iyo palayo sa ilan sa pinababa ni Allāh sa iyo sapagkat hindi sila mag-aalintana ng isang pagpupunyagi alang-alang doon. Kaya kung umayaw sila sa pagtanggap sa kahatulan ayon sa pinababa ni Allāh sa iyo ay alamin mo na nagnanais lamang si Allāh na magparusa sa kanila, dahil sa ilan sa mga pagkakasala nila, ng isang kaparusahang pangmundo at magpaparusa Siya sa kanila sa lahat ng mga ito sa Kabilang-buhay. Tunay na marami sa mga tao ay talagang mga lumalabas sa pagtalima kay Allāh.