×
المائدةAyah 53

Tafsir Al-Mukhtasar

وَيَقُولُ ٱلَّذِينَ ءَامَنُوٓا۟ أَهَـٰٓؤُلَآءِ ٱلَّذِينَ أَقْسَمُوا۟ بِٱللَّهِ جَهْدَ أَيْمَـٰنِهِمْ ۙ إِنَّهُمْ لَمَعَكُمْ ۚ حَبِطَتْ أَعْمَـٰلُهُمْ فَأَصْبَحُوا۟ خَـٰسِرِينَ ﴿٥٣﴾

Magsasabi ang mga mananampalataya habang mga nagtataka sa kalagayan ng mga mapagpaimbabaw na ito: "Ang mga sumumpang ito ba habang mga nagbibigay-diin sa pananampalataya nila na tunay na sila ay talagang kasama ninyo, O mga mananampalataya, sa pananampalataya, pag-aadya, at pakikipagtangkilikan?" Nawalang-kabuluhan ang mga gawa nila kaya sila ay naging mga lugi dahil sa pagkaalpas ng nilayon nila at inihanda para sa kanila na pagdurusa.