×
المائدةAyah 82

Tafsir Al-Mukhtasar

لَتَجِدَنَّ أَشَدَّ ٱلنَّاسِ عَدَٰوَةً لِّلَّذِينَ ءَامَنُوا۟ ٱلْيَهُودَ وَٱلَّذِينَ أَشْرَكُوا۟ ۖ وَلَتَجِدَنَّ أَقْرَبَهُم مَّوَدَّةً لِّلَّذِينَ ءَامَنُوا۟ ٱلَّذِينَ قَالُوٓا۟ إِنَّا نَصَـٰرَىٰ ۚ ذَٰلِكَ بِأَنَّ مِنْهُمْ قِسِّيسِينَ وَرُهْبَانًا وَأَنَّهُمْ لَا يَسْتَكْبِرُونَ ﴿٨٢﴾

Talagang makatatagpo ka nga, O Sugo, na ang pinakamalaki sa mga tao sa pagkamuhi sa mga mananampalataya sa iyo at sa inihatid mo ay ang mga Hudyo dahil sa taglay nilang poot, inggit, at pagmamalaki; ang mga mananamba ng mga diyus-diyusan; at ang iba pa sa kanila kabilang sa mga tagapagtambal kay Allāh. Talagang makatatagpo ka nga na ang pinakamalapit sa kanila sa pag-ibig sa mga mananampalataya sa iyo at sa inihatid mo ay ang mga nagsasabi tungkol sa mga sarili nila na tunay na sila ay mga Kristiyano. Ang kalapitan ng pagmamahal ng mga ito sa mga mananampalataya ay dahil mayroon sa kanila na mga maalam at mga palasamba at na sila ay mga nagpapakumbaba, hindi mga nagpapakamalaki dahil ang nagpapakamalaki ay hindi umaabot ang kabutihan sa puso niya.