×
المائدةAyah 88

Tafsir Al-Mukhtasar

وَكُلُوا۟ مِمَّا رَزَقَكُمُ ٱللَّهُ حَلَـٰلًا طَيِّبًا ۚ وَٱتَّقُوا۟ ٱللَّهَ ٱلَّذِىٓ أَنتُم بِهِۦ مُؤْمِنُونَ ﴿٨٨﴾

Kumain kayo mula sa inakay ni Allāh sa inyo mula sa panustos Niya sa kalagayan ng pagiging ipinahintulot na kaaya-aya nito, hindi kung ito ay ipinagbabawal gaya ng nakuha dahil sa pangangamkam o sa minamasamang paraan. Mangilag kayong magkasala kay Allāh sa pamamagitan ng pagsunod sa mga ipinag-uutos Niya at pag-iwas sa mga sinasaway Niya sapagkat Siya ang sinasampalatayanan ninyo at ang pananampalataya ninyo sa Kanya ay nag-oobliga sa inyo na mangilag kayong magkasala sa Kanya.