Tafsir Al-Mukhtasar
فَذَكِّرْ فَمَآ أَنتَ بِنِعْمَتِ رَبِّكَ بِكَاهِنٍ وَلَا مَجْنُونٍ ﴿٢٩﴾
Kaya magpaalaala ka, O Sugo, sa pamamagitan ng Qur'ān sapagkat hindi ka, dahil sa ibiniyaya ni Allāh sa inyo na pananampalataya at pang-unawa, isang manghuhula na mayroon kang isang mapagtingin kabilang sa mga jinn; at hindi ka isang baliw.