×
الأنعامAyah 100

Tafsir Al-Mukhtasar

وَجَعَلُوا۟ لِلَّهِ شُرَكَآءَ ٱلْجِنَّ وَخَلَقَهُمْ ۖ وَخَرَقُوا۟ لَهُۥ بَنِينَ وَبَنَـٰتٍۭ بِغَيْرِ عِلْمٍ ۚ سُبْحَـٰنَهُۥ وَتَعَـٰلَىٰ عَمَّا يَصِفُونَ ﴿١٠٠﴾

Gumawa ang mga tagapagtambal sa mga jinn bilang mga katambal para kay Allāh sa pagsamba nang naniwala sila na ang mga ito ay nakapagpapakinabang at nakapipinsala, samantalang nagpairal nga sa kanila si Allāh at hindi lumikha sa kanila ang iba pa sa Kanya, kaya naman Siya ay higit na karapat-dapat na sambahin. Lumikha-likha sila [para sa Kanya] ng mga anak na lalaki gaya ng ginawa ng mga Hudyo kay Ezra at ng mga Kristiyano kay Hesus, at ng mga anak na babae gaya ng ginawa ng mga tagapagtambal sa mga anghel. Pagkasakdal-sakdal Siya at pagkabanal-banal Siya kaysa sa anumang inilalarawan sa Kanya ng mga kampon ng kabulaanan.