×
الأنعامAyah 114

Tafsir Al-Mukhtasar

أَفَغَيْرَ ٱللَّهِ أَبْتَغِى حَكَمًا وَهُوَ ٱلَّذِىٓ أَنزَلَ إِلَيْكُمُ ٱلْكِتَـٰبَ مُفَصَّلًا ۚ وَٱلَّذِينَ ءَاتَيْنَـٰهُمُ ٱلْكِتَـٰبَ يَعْلَمُونَ أَنَّهُۥ مُنَزَّلٌ مِّن رَّبِّكَ بِٱلْحَقِّ ۖ فَلَا تَكُونَنَّ مِنَ ٱلْمُمْتَرِينَ ﴿١١٤﴾

Sabihin mo, O Sugo, sa mga tagapagtambal na ito na sumasamba kasama kay Allāh sa iba pa sa Kanya: "Maiisip ba na tumanggap ako ng iba pa kay Allāh bilang hukom sa pagitan ko at ninyo? Si Allāh ay ang nagpababa sa inyo ng Qur'ān bilang tagapaglinaw na tagalubos para sa bawat bagay." Ang mga Hudyong binigyan Namin ng Torah at ang mga Kristiyanong binigyan Namin ng Ebanghelyo ay nakaaalam na ang Qur'ān ay ibinaba sa iyo na naglalaman ng katotohanan, dahil nakatagpo sila sa mga kasulatan nila ng patunay roon. Kaya huwag ka ngang maging kabilang sa mga nagdududa sa ikinasi Namin sa iyo.