Tafsir Al-Mukhtasar
إِنَّ رَبَّكَ هُوَ أَعْلَمُ مَن يَضِلُّ عَن سَبِيلِهِۦ ۖ وَهُوَ أَعْلَمُ بِٱلْمُهْتَدِينَ ﴿١١٧﴾
Tunay na ang Panginoon mo, O Sugo, ay higit na maalam sa sinumang naliligaw palayo sa landas Niya kabilang sa mga tao. Siya ay higit na maalam sa mga napatnubayan doon; walang nakakukubli sa Kanya na anuman mula roon.