Tafsir Al-Mukhtasar
أَوَمَن كَانَ مَيْتًا فَأَحْيَيْنَـٰهُ وَجَعَلْنَا لَهُۥ نُورًا يَمْشِى بِهِۦ فِى ٱلنَّاسِ كَمَن مَّثَلُهُۥ فِى ٱلظُّلُمَـٰتِ لَيْسَ بِخَارِجٍ مِّنْهَا ۚ كَذَٰلِكَ زُيِّنَ لِلْكَـٰفِرِينَ مَا كَانُوا۟ يَعْمَلُونَ ﴿١٢٢﴾
Ang tao na bago ng kapatnubayan ni Allāh sa kanya ay isang patay dahil sa taglay niyang kawalang-pananampalataya, kamangmangan, at mga pagsuway saka binuhay siya ni Allāh sa pamamagitan ng kapatnubayan sa kanya sa pananampalataya, kaalaman, at pagtalima, ay nakapapantay ba ng taong nasa mga kadiliman ng kawalang-pananampalataya, kamangmangan, at mga pagsuway, na hindi niya nakakakaya ang paglabas mula sa mga ito, na nakalito sa kanya ang mga daan, at dumilim sa kanya ang mga tinatahak? Kung paanong pinaganda sa mga tagapagtambal na ito ang ginagawa nila na shirk, pagkain ng maytah, at pakikipagtalo sa pamamagitan ng kabulaanan, pinaganda sa mga tagatangging sumampalataya ang dati nilang ginagawa na mga pagsuway upang gantihan sila sa mga ito sa Araw ng Pagbangon ng pagdurusang masakit.