×
الأنعامAyah 130

Tafsir Al-Mukhtasar

يَـٰمَعْشَرَ ٱلْجِنِّ وَٱلْإِنسِ أَلَمْ يَأْتِكُمْ رُسُلٌ مِّنكُمْ يَقُصُّونَ عَلَيْكُمْ ءَايَـٰتِى وَيُنذِرُونَكُمْ لِقَآءَ يَوْمِكُمْ هَـٰذَا ۚ قَالُوا۟ شَهِدْنَا عَلَىٰٓ أَنفُسِنَا ۖ وَغَرَّتْهُمُ ٱلْحَيَوٰةُ ٱلدُّنْيَا وَشَهِدُوا۟ عَلَىٰٓ أَنفُسِهِمْ أَنَّهُمْ كَانُوا۟ كَـٰفِرِينَ ﴿١٣٠﴾

Magsasabi si Allāh sa kanila sa Araw ng Pagbangon: "O umpukan ng jinn at tao, wala bang pumunta sa inyo na mga sugo kabilang sa kauri ninyo sapagkat sila ay kabilang sa tao, na bumibigkas sa inyo ng pinababa ni Allāh sa kanila at nagpapangamba sa inyo sa pakikipagkita sa Araw ninyong ito na siyang Araw ng Pagbangon?" Magsasabi sila: "Opo; kumilala kami ngayong Araw laban sa mga sarili namin na ang mga sugo Mo ay nagpaabot nga sa amin. Kumilala kami sa pakikipagkita sa Araw na ito subalit nagpasinungaling Kami sa mga sugo Mo at nagpasinungaling Kami sa pakikipagkita sa Araw na ito." Luminlang sa kanila ang buhay na pangmundo dahil sa taglay nitong gayak, palamuti, at lugod na lumilipas. Kumilala sila laban sa sarili nila na sila noon sa Mundo ay mga tagatangging sumampalataya kay Allāh at sa mga sugo Niya. Hindi magpapakinabang sa kanila ang pagkilalang ito ni ang pananampalataya dahil sa pagkaalpas ng oras nito.