Tafsir Al-Mukhtasar
وَجَعَلُوا۟ لِلَّهِ مِمَّا ذَرَأَ مِنَ ٱلْحَرْثِ وَٱلْأَنْعَـٰمِ نَصِيبًا فَقَالُوا۟ هَـٰذَا لِلَّهِ بِزَعْمِهِمْ وَهَـٰذَا لِشُرَكَآئِنَا ۖ فَمَا كَانَ لِشُرَكَآئِهِمْ فَلَا يَصِلُ إِلَى ٱللَّهِ ۖ وَمَا كَانَ لِلَّهِ فَهُوَ يَصِلُ إِلَىٰ شُرَكَآئِهِمْ ۗ سَآءَ مَا يَحْكُمُونَ ﴿١٣٦﴾
Nagpauso ang mga tagapagtambal kay Allāh ng pagtatalaga para kay Allāh ng isang bahagi mula sa nilikha Niya na mga tanim at mga hayupan saka inangkin nilang ito ay para kay Allāh, at ng isa pang bahagi para sa mga diyus-diyusan nila at mga rebulto nila. Ang anumang inilaan nila para sa mga pantambal nila kay Allāh ay hindi nakararating sa mga guguling isinabatas ni Allāh ang paggugol gaya ng sa mga maralita at mga dukha at ang anumang inilaan nila para kay Allāh, ito ay nakararating sa mga pantambal nila kay Allāh na mga diyus-diyusan, na ginugugol sa mga kapakanan ng mga ito. Pakatandaan, kay sagwa ang hatol nila at ang pagbahagi nila!