Tafsir Al-Mukhtasar
وَقَالُوا۟ هَـٰذِهِۦٓ أَنْعَـٰمٌ وَحَرْثٌ حِجْرٌ لَّا يَطْعَمُهَآ إِلَّا مَن نَّشَآءُ بِزَعْمِهِمْ وَأَنْعَـٰمٌ حُرِّمَتْ ظُهُورُهَا وَأَنْعَـٰمٌ لَّا يَذْكُرُونَ ٱسْمَ ٱللَّهِ عَلَيْهَا ٱفْتِرَآءً عَلَيْهِ ۚ سَيَجْزِيهِم بِمَا كَانُوا۟ يَفْتَرُونَ ﴿١٣٨﴾
Nagsabi ang mga tagapagtambal: "Ang mga ito ay mga hayupan at mga tanim na ipinagbabawal." Walang kakain mula sa mga ito kundi ang sinumang niloloob nila ayon sa pag-aangkin nila at paggawa-gawa nila, kabilang sa mga tagapaglingkod ng mga diyus-diyosan at iba pa sa kanila. Ang mga ito ay mga hayupang ipinagbawal ang mga likod, kaya hindi sinasakyan at hindi kinakargahan. Ang mga ito ay ang baḥīrah, ang sā'ibah, at ang ḥāmī. Ang mga ito ay mga hayupan na hindi sila bumabanggit ng pangalan ni Allāh sa mga ito sa sandali ng pagkakatay. Kumakatay lamang sila ng mga ito sa ngalan ng mga anito nila. Gumawa sila niyon sa kalahatan niyon dala ng pagsisinungaling laban kay Allāh, na iyon daw ay mula sa ganang Kanya. Gaganti sa kanila si Allāh sa pamamagitan ng parusa Niya dahilan sa sila noon ay gumawa-gawa laban sa Kanya.