Tafsir Al-Mukhtasar
قُلْ أَغَيْرَ ٱللَّهِ أَتَّخِذُ وَلِيًّا فَاطِرِ ٱلسَّمَـٰوَٰتِ وَٱلْأَرْضِ وَهُوَ يُطْعِمُ وَلَا يُطْعَمُ ۗ قُلْ إِنِّىٓ أُمِرْتُ أَنْ أَكُونَ أَوَّلَ مَنْ أَسْلَمَ ۖ وَلَا تَكُونَنَّ مِنَ ٱلْمُشْرِكِينَ ﴿١٤﴾
Sabihin mo, O Sugo, sa mga tagapagtambal na sumasamba kasama kay Allāh ng iba pa sa Kanya gaya ng mga anito at iba pa sa mga ito: "Maiisip ba na gagawa ako sa iba pa kay Allāh bilang tagaadya o doon ako magpapaadya samantalang Siya ang lumikha sa mga langit at lupa nang walang naunang pagkakatulad at hindi naunahan sa pagkalikha sa mga ito? Siya ay ang tumutustos sa sinumang niloloob Niya kabilang sa mga lingkod Niya at walang isa kabilang sa mga lingkod Niya na tumutustos sa Kanya sapagkat Siya ay ang Walang-pangangailangan sa mga lingkod Niya samantalang ang mga lingkod Niya ay mga nangangailangan sa Kanya. Sabihin mo, O Sugo: "Tunay na ako ay inutusan ng Panginoon ko – kaluwalhatian sa Kanya – na maging una sa nagpaakay sa Kanya at nagpasailalim sa Kanya kabilang sa Kalipunang ito. Sinaway Niya ako na maging kabilang sa mga nagtatambal kasama sa Kanya ng iba pa sa Kanya."