×
الأنعامAyah 151

Tafsir Al-Mukhtasar

قُلْ تَعَالَوْا۟ أَتْلُ مَا حَرَّمَ رَبُّكُمْ عَلَيْكُمْ ۖ أَلَّا تُشْرِكُوا۟ بِهِۦ شَيْـًٔا ۖ وَبِٱلْوَٰلِدَيْنِ إِحْسَـٰنًا ۖ وَلَا تَقْتُلُوٓا۟ أَوْلَـٰدَكُم مِّنْ إِمْلَـٰقٍ ۖ نَّحْنُ نَرْزُقُكُمْ وَإِيَّاهُمْ ۖ وَلَا تَقْرَبُوا۟ ٱلْفَوَٰحِشَ مَا ظَهَرَ مِنْهَا وَمَا بَطَنَ ۖ وَلَا تَقْتُلُوا۟ ٱلنَّفْسَ ٱلَّتِى حَرَّمَ ٱللَّهُ إِلَّا بِٱلْحَقِّ ۚ ذَٰلِكُمْ وَصَّىٰكُم بِهِۦ لَعَلَّكُمْ تَعْقِلُونَ ﴿١٥١﴾

Sabihin mo, O Sugo, sa mga tao: "Halikayo, bibigkas ako sa inyo ng ipinagbawal ni Allāh sa inyo: na magtambal kayo sa Kanya ng anuman kabilang sa mga nilikha Niya; na magpakasutil kayo sa mga magulang ninyo, bagkus kinakailangan sa inyo ang paggawa ng maganda sa kanila; na pumatay kayo ng mga anak ninyo dahilan sa karalitaan gaya ng ginagawa noon ng mga tao ng Panahon ng Kamangmangan, si Allāh ay nagtutustos sa inyo at nagtutustos sa kanila; nagbawal Siya na lumapit kayo sa mga malaswa: anumang inihayag mula sa mga ito at anumang inilihim; at na pumatay kayo ng buhay na ipinagbawal ni Allāh na patayin malibang ayon sa karapatan gaya ng pangangalunya matapos makapag-asawa at pagtalikod sa Islām." Ang nabanggit na iyon ay itinagubilin ni Allāh sa inyo, nang sa gayon kayo ay uunawa sa Kanya sa mga ipinag-uutos Niya at mga sinasaway Niya.