Tafsir Al-Mukhtasar
ثُمَّ ءَاتَيْنَا مُوسَى ٱلْكِتَـٰبَ تَمَامًا عَلَى ٱلَّذِىٓ أَحْسَنَ وَتَفْصِيلًا لِّكُلِّ شَىْءٍ وَهُدًى وَرَحْمَةً لَّعَلَّهُم بِلِقَآءِ رَبِّهِمْ يُؤْمِنُونَ ﴿١٥٤﴾
Karagdagan, matapos ng pagpapabatid sa nabanggit, nagpapabatid Kami na Kami ay nagbigay kay Moises ng Torah bilang pagbubuo sa biyaya, bilang ganti sa paggawa niya ng maganda sa gawain, bilang paglilinaw para sa bawat bagay na kakailanganin niya sa relihiyon, bilang katunayan sa katotohanan, at bilang awa, sa pag-asang sumampalataya sila sa pakikipagkita sa Panginoon nila sa Araw ng Pagbangon para maghanda sila para sa Kanya ng gawang maayos.