Tafsir Al-Mukhtasar
وَإِن يَمْسَسْكَ ٱللَّهُ بِضُرٍّ فَلَا كَاشِفَ لَهُۥٓ إِلَّا هُوَ ۖ وَإِن يَمْسَسْكَ بِخَيْرٍ فَهُوَ عَلَىٰ كُلِّ شَىْءٍ قَدِيرٌ ﴿١٧﴾
Kung may umaabot sa iyo, O anak ni Adan, mula kay Allāh na isang pagsubok ay walang tagatulak sa pagsubok palayo sa iyo kundi si Allāh. Kung may umaabot sa iyo mula sa Kanya na isang kabutihan ay walang tagahadlang sa Kanya mula roon at walang tagatanggi sa kabutihang-loob Niya sapagkat Siya ay ang Nakakakaya sa bawat bagay: walang nagpapahina sa Kanya na anuman.