×
الأنعامAyah 19

Tafsir Al-Mukhtasar

قُلْ أَىُّ شَىْءٍ أَكْبَرُ شَهَـٰدَةً ۖ قُلِ ٱللَّهُ ۖ شَهِيدٌۢ بَيْنِى وَبَيْنَكُمْ ۚ وَأُوحِىَ إِلَىَّ هَـٰذَا ٱلْقُرْءَانُ لِأُنذِرَكُم بِهِۦ وَمَنۢ بَلَغَ ۚ أَئِنَّكُمْ لَتَشْهَدُونَ أَنَّ مَعَ ٱللَّهِ ءَالِهَةً أُخْرَىٰ ۚ قُل لَّآ أَشْهَدُ ۚ قُلْ إِنَّمَا هُوَ إِلَـٰهٌ وَٰحِدٌ وَإِنَّنِى بَرِىٓءٌ مِّمَّا تُشْرِكُونَ ﴿١٩﴾

Sabihin mo, O Sugo, sa mga tagapagtambal na nagpapasinungaling sa iyo: "Aling bagay ang pinakakapita-pitagan at pinakasukdulan sa pagsasaksi sa katapatan ko?" Sabihin mo: "Si Allāh ay pinakakapita-pitagan at pinakasukdulan sa pagsaksi sa katapatan ko. Siya ay Saksi sa pagitan ko at ninyo. Nakaaalam Siya sa anumang inihatid ko sa inyo at anumang tatanggihan ninyo. Nagkasi nga si Allāh sa akin ng Qur'ān na ito upang magpangamba ako sa inyo nito at magpangamba ako nito sa sinumang inabot nito na tao at jinn. Tunay na kayo, O mga tagapagtambal, ay sumasampalataya na kasama kay Allāh ay may mga sinasambang iba pa. Sabihin mo, O Sugo: "Hindi ako sumasaksi sa kinikilala ninyo dahil sa kabulaanan nito. Si Allāh ay nag-iisang Diyos lamang: walang katambal sa Kanya. Tunay na ako ay walang-kaugnayan sa bawat itinatambal ninyo kasama sa Kanya."