×
الأنعامAyah 32

Tafsir Al-Mukhtasar

وَمَا ٱلْحَيَوٰةُ ٱلدُّنْيَآ إِلَّا لَعِبٌ وَلَهْوٌ ۖ وَلَلدَّارُ ٱلْـَٔاخِرَةُ خَيْرٌ لِّلَّذِينَ يَتَّقُونَ ۗ أَفَلَا تَعْقِلُونَ ﴿٣٢﴾

Walang iba ang buhay na pangmundo na sinasaligan ninyo kundi isang paglalaro at isang kahibangan para sa sinumang hindi gumagawa rito ng nagpapalugod kay Allāh. Ang tahanan sa Kabilang-buhay naman, iyon ay higit na mabuti para sa mga nangingilag magkasala kay Allāh sa pamamagitan ng paggawa ng ipinag-utos Niya gaya ng pananampalataya at pagtalima, at ng pag-iwan sa sinaway Niya gaya ng shirk at pagsuway. Kaya hindi ba kayo nakapag-uunawa, O mga tagapagtambal, niyon para sumampalataya kayo at gumawa kayo ng mga maayos?